Jeez. Walong comment din yun ha. Sa susunod magreblog ka na lang haha.
Okay. You asked for it. Hooray for intellectual discourse. ‘Wag tayong maging Binay.
Sabi sa Kikomachine, para makapag-isip yung kausap mo, gamitin sa hangga’t makakaya ang salitang “define”. Sorry, hihiramin ko lang muna yung idea na ‘yun at gagamitin sa post na ito. [Sorry sa Taglish.]
So… Una sa lahat, Patrick Andaya, ano nga ba ang katarungan para sa’yo?
Libreng pagkain? Karagdagang benepisyo para sa mga senior citizen? Pagpapaayos sa mga ospital? Pagbibigay ng trabaho? Edukasyon?
Problema kasi sa’ting mga tao, iba-iba tayo ng pag-iisip. Sure, siguro sa mga rallyista e nagkakapareho sila sa ibang aspeto ng sarili nilang kahulugan ng katarungan, pero hindi natin maipagkakaila na hindi natin ito tuluyang makakamit dahil iba-iba ang ating gusto.
Sabi mo, noong unang panahon pa ang mga taong ‘yan. O, diba, verbatim. Ano kaya ibig sabihin niyan? Hindi siguro ako magkakamali kung sasabihin kong mangilan-ngilan na ring mga mambabatas na dating aktibista ang sumabak sa isang nakatataas na pwesto sa gobyerno. Pero kahit na anong gawin nila, kahit na anong ipagtupad nilang batas na dapat ay aayon sa kagustuhan ng mga kapwa nilang aktibista, e, gg.
GG kasi, tulad nga ng nakikita natin ngayon, meron pa ring tao sa kalsada. Kahit na anong pagbabago ang gawin ng mga taong nahalal sa puwesto na may tunay na hangarin upang tumulong, mayroon at mayroon pa ring babatikos sa kanila. Ano ba magagawa nila? Being public officials, they are open to scrutiny.
Feeling ko mas malala pang maging mambabatas kesa sa mapunta sa bahay ni Big Brother.
On to other things, sabi mo, dapat hindi ko sila pinapaalis. Waha! P.S., di ko naman sila pinapaalis. Ang punto ko lamang ay hindi maganda kung sa lahat na lang ng maliliit na bagay e may rally na nakaamba. Tapos kung may mamatay sa rally ang sisihin gobyerno. Ano ba. Sino kaya nagsimula. Hindi pa nagagawa yung batas, hindi pa na-f-finalize sa senado at sa gobyerno, may rally na agad. Sus. Ano mararating natin dyan?
Isa pa, meron na tayong sapat na teknolohiya. Meron namang Tumblr, Facebook, Twitter, etc.— mga bagong paraan upang maiparating ang ating mga saloobin tungkol sa kagaguhang tingin natin ay nangyayari sa gobyerno. Meron tayong magagawa upang matigil ang pagpunta ng mga tao sa kalsada. Bakit natin kailangang magsayang ng enerhiyang maaari naman nating ipuhunan para sa ibang makabuluhang bagay?
Hindi mga bingi at bulag ang nasa gobyerno. Naririnig nila tayo, Patrick. Sabihin mo nang wala silang ginagawa, pero pa’no nga naman natin malalaman ‘yon? Mga insider ba tayo sa Malacanang? No, we’re not. The best we can do is speculate about what they’re doing in there. ‘Wag husgahan ang mga public official ng ganun-ganun na lang. Siyempre, meron rin silang gustong maidulot sa bayan. Sinong tanga gustong malugmok sa kahirapan ang sarili niyang bansa?
So… ano? Sasabihin mo siguro, “Ang pag-r-rally sa mga kalsada ng Pilipinas ay mas may kahulugan kesa sa mga social networking site. Kailangan ng palpable na presensya ng mga tao para maiparating ang saloobin ng masa!”
No. Jesus Christ, no. We are not cavemen. Hindi natin kailangang magpakita ng ganitong klaseng pag-uugali at pag-iisip. Presensya kung sa presensya, pero sa tingin ko mas okay pa rin talaga kung gagamitin lang natin ng maayos ang mga social networking site na readily accessible sa’tin. Mas konting gulo, mas konting kalat, mas konting nagbubuwis ng buhay.
Bilang panghuli, alam ko na ako ay isang iskolar ng bayan na pinapaaral gamit ng pera ng mga mamamayan ng Pilipinas. Ngunit subalit datapwat, hindi ibig sabihin na ang tanging paraan upang maipakita ko ang aking suporta para sa pag-unlad ng aking Inang Bayan ay makisabak sa mga pag-aalsa. Alam ko ang aking responsibilidad, ngunit hindi ko pinipili ang marahas na paraan upang iparating ang aking saloobin. Bilang isang taong nakapag-aral, alam ko na maraaaaming alternatibo sa mga rally.
Siya nga pala, baka sakaling nakakalimutan natin, tao lang rin ang nagpapatakbo sa ating bansa. Nagkakamali sila, at tulad natin, gusto rin naman nilang itama ang kanilang nga pagkukulang. Bakit, sa tingin mo ba, kung ikaw ang tatakbo para sa posisyon sa gobyerno, mas magaling ka sa kanila? Ako, alam kong hindi ko mahihigitan ang mga nagawa ng mga taong ito. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng bansa, pero sila, meron. Kaya natin sila ibinoboto kasi (sana ito lang talaga dahilan) tingin natin kaya nilang mapatakbo at mapaunlad ang Pilipinas.
Ewan ko lang ha. So, ayun. Opinions.